-- Advertisements --

Nakakuha ang AirAsia Philippines ng double home run sa 31st Philippine Travel Agencies Association, Inc. (PTAA) Travel Tour Expo at tumanggap ng “Booth With Best Deals” award.

Ito’y kasunod ng sales o 14% na pagtaas kumpara sa pagganap nito noong 2023.

Ang AirAsia Philippines ay binigyan ng pagkilala bilang ang tanging airline na may pinakamababang pamasahe maging sa presyo ng mga bagahe ng pasahero.

Bukod sa 10% na diskwento sa lahat ng flight at 20% sa bagahe, ang 2.2 Love Takes Flight (PHP22 one-way base fare) ay inaalok din sa mga bisita, na nagbibigay sa kanila ng pinakamainam na deal para sa kanilang pera.

Ayon kay AirAsia Philippines CEO sa, ang AirAsia ay palaging kilala sa pagbibigay-priyoridad sa mga pangangailangan ng mga pasahero

Aniya, ang mga award na tulad nito ay nagbibigay sa kanila ng inspirasyon para pahusayin pa ang kanilang mga trabaho.

Nalampasan ng World’s Best Low-Cost Airline ang target nito dahil sa blockbuster volume ng mga international booking sa unang araw ng fair noong Pebrero 2.

Samantala, ang ikalawa at ikatlong araw ng expo na gaganapin sa katapusan ng linggo ay may para naman sa mga domestic at international booking.

Ang mga destinasyon sa isla na Caticlan, Bohol, at Puerto Princesa, pati na rin ang mga Instagrammable holiday destination na Osaka, Narita, Taipei, Hong Kong, at Bangkok, ay ang pinakana-book para sa PTAA Travel Tour Expo.

Iniimbitahan namam ng AirAsia Philippines ang mga bisita nito na manatiling nakatutok at magbantay para sa summer campaign nito na “LFG” ngayong buwan ng Pebrero.