-- Advertisements --

Ibinunyag ni Aiko Melendez na hindi lamang isa, kundi marami itong isinabuhay na diet procedure bago makamit ang kanyang sexy body ngayon.

Aiko

Pahayag ito ng 44-year-old actress kasabay ng pagbalandra ng kanyang weight loss transformation pictures kung saan ang pinakabago ay nakasuot ito ng kulay pink na one piece swimsuit.

Sa loob aniya ng dalawang buwan, nasubukan nito ang calorie-counting diet kung saan 500 calories worth of food bawat araw lamang ang kanyang kinakain na madalawas ay dalawang boiled eggs at kape lamang.

Itinaas din naman daw niya ito sa 1,000 calories intake pero naglalaro lamang sa blackberries, strawberries, at tubig na may lemon at apple cider vinegar, upang maiwasang malasap sa paboritong pagkain.

Present din sa kanyang diet menu ng ng Korean food na kimchi dahil nagpapabilis daw ito sa metabolism ng katawan, at dumaan pa sa Brazilian Buttlift procedure.

Una nang inamin ni Melendez na muntik siyang mawalan ng pag-asa na papayat muli pero nilabanan niya ito ng may determinasyon at dasal.

“Never lose hope in everything that you AIM for. Sa mga gusto pumayat, kaya natin ‘to! Kung kaya ko, kayo niyo rin,” payo nito noon sa kanyang mga followers.

Si Melendez ay ex-wife ni Jomari Yllana at ngayo’y bagong boyfriend si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.