-- Advertisements --
Nakumpleto na ni AiAi delas Alas ang kaniyang COVID-19 vaccination.
Sa kaniyang Instagram, ay nagpost ito ng larawan matapos ang matanggap niyang ikalawang dose ng Pfizer vaccine.
Sinamantala ng komedyante ang pagpapabakuna habang nakabakasyon sila ng asawang si Gerald Sibayan.
Unang natanggap ng dalawa ang bakuna noong Mayo ng magbakasyon sila para makapiling ng actress ang anak na si Shaun Nicolo.
Nauna ng sinabi nito na sa US na ito magpapabakuna dahil green card holder din ito.
Ilalaan na lamang sa iba ang mga bakuna sa para sana sa kaniya dito sa Pilipinas.