-- Advertisements --
image 104

Lumago ng 2.1% ang kabuuang halaga ng produksyon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa unang quarter ng taon,ayon Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ng Philippine Statistics Authority sa pare-parehong presyo noong 2018, ang halaga ng produksyon ay umabot sa P428.6 billion, mas mataas sa P419.9 billion noong nakaraang taon.

Ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Dennis Mapa, ito ay dahil sa taunang pagtaas ng halaga ng produksyon ng mga pananim, mga alagang hayop at palaisdaan.

Ang halaga ng mga pananim na umabot sa P247.7billion ay tumaas ng 1.7 % mula sa P243.6 billion noong nakaraang taon.

Ang kabuuang halaga ng produksyon ng mga hayop ay lumawak din ng 4.1% sa P61.6 billion mula sa P59.2 billion noong unang quarter ng 2022.

Ang halaga ng poultry production na umabot sa P64.9 billion ay tumaas ng 3.2% mula sa nakaraang taon na P62.9 bilion, habang ang produksyon ng palaisdaan ay bahagyang tumaas sa P54.3 billion mula sa P54.14 billion.

Sa kasalukuyan, ayon sa PSA patuloy pa ring lumalago nang bahagya ang produksyon ng mga produktong pang-agrikultura na inaasahan nila na magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod na buwan.