Inaasahang tataas ng 3% ang growth rate ng agriculture sector ng bansa sa huling quarter ng 2019 sa kabila ng mga nangyaring natural at man-made disasters, ayon kay Agriculture Sec. William Dar.
Sa isang statement, sinabi ni Dar na ang Philippine agri-fishery sector ay inaasahang lalago ng 2.5% hanggang 3% sa huling tatlong buwan ng 2019.
Mas mataas ito kung sakala kumpara sa 1.8% growth na naitala sa kaparehas na quarter noong 2018.
Tinukoy din ng kalihim na sa kabila ng minimal growth na 0.64% sa first quarter ng kasalukuyang taon at ang pagbaba pa ng -1.23% sa second quarter bunsod ng negatibong epekto ng El Niño sa crops subsector, nakapagtala naman ang industriya ng mabilis kumpara sa inaasahan na recovery na 2.87% sa third quarter.
Magmula noong Agosto 2019, ilang hamon ang hinarap ng agriculture sector kabilang na ang pagbulusok ng presyo ng palay at copra, mataas na retail price ng bigas, outbreak ng African Swine Fever (ASF), pagdami ng army worn sa mais, at mga bagyo na nagpayuko sa maraming mga pananim.