-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng binhi ng pananim sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Ineng sa Northern Luzon.

Ayon kay DA Sec. William Dar, nakatanggap na ng seedlings ang mga magsasaka sa Ilocos Norte matapos iulat na umabot sa higit P20-milyon ang danyos ng bagyo sa agriculture sector ng lalawigan.

Pinaka-apektado ang mga palayan, palaisdaan at manukan.

“So I’ve directed our regional office there to mobilize starting today, in terms of a quick turnaround program, distribute the seeds that are needed so that the farmers can start right away. That’s number one. Nakapuwesto na yan. Nandiyan ngayon. They will now start today.”

Una ng nag-release ng P25,000 loan ang kagawaran sa mga naapektuhang magsasaka na walang interes at pwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon.

Batay sa datos ng Ilocos Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office pumalo na sa halos P300-milyon ang danyos sa imprastuktura ng lalawigan.

“We have been in interactions since yesterday morning and maganda ang usapan ng provincial government and the national government agencies.”

Dalawa naman ang patay at maraming lugar sa ilang bahagi ng Luzon ang nalubog sa baha dahil sa bagyong Ineng.

Sa Lunes nakatakdang bumisita si Dar sa Ilocos Norte para silipin ang sitwasyon ng agrikultura sa probinsya.