-- Advertisements --
image 536

Iginiit ng commandr ng US Navy’s Seventh Fleet na dapat hamunin at suriin ang agresibong pag-uugali ng China sa West Philippine Sea gaya ng paggamit nito ng water canon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Tiniyak ni Vice Admiral Karl Thomas ang Pilipinas na sumusuporta ang US. Aniya “My forces are out here for a reason.”

Ang Seventh Fleet, pinakamalaki sa mga forward-deployed fleet ng US Navy, na naka-headquarter sa Japan, ay nagpapatakbo ng hanggang 70 barko, may humigit-kumulang 150 sasakyang panghimpapawid at higit sa 27,000 sailors.

Ayon pa kay Thomas, “You have to challenge people I would say operating in a grey zone. When they’re taking a little bit more and more and pushing you, you’ve got to push back, you have to sail and operate,”