-- Advertisements --

Muli nang binuksan ng Pamahalaan Lungsod ng San Juan CIty ang Agora Market simula ngayong araw, Hulyo 16.

Sa isang advisory, sinabi ni Mayor Francis Zamora na tanging ang mga vendors at iba pang staff na may health clearance o blue ID ang papayagan na makapagbenta sa Agora Market.

Pero kailangan na palaging sinusunod ng mga vendors ang physical distancing at dapat nakasuot din ng face mask sa lahat ng oras para na rin sa kanilang proteksyon, ayon kay Zamora.

Nauna nang pansamantalang isinara ang Agora Market matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga vendors at workers.

Ayon kay Zamora, isinailalim nila kaagad sa disinfection ang Agora Market bilang bahagi ng kanilang health at safety protocols.