Nangangailangan lamang ng isang panalo ang Portland Trail Blazers laban sa Memphis Grizzlies upang agad na makuha ang huling biyahe patungo sa first round ng NBA playoffs.

Habang ang Grizzlies ay dapat na talunin ng dalawang beses ang Blazers.

Sinuman ang manalo sa dalawa ay makukuha ang No. 8 at final playoff spot kung saan makakatunggali sa Western Conference ang nag-aantay na top seed na Los Angeles Lakers.

Blazers damian lillard
Blazing Damian Lillard of Blazers (photo from @trailblazers)

Sa darating na Linggo isasagawa ang kauna-unahang play-in series ng liga.

Kung mananalo ang Grizzlies isasagawa ang winner-take-all sa Lunes.

Sinasabing dehado ang Memphis lalo na at binansagan ngayon na “MVP sa NBA bubble” sa Florida si Damian Lillard.

Kanina lamang sa laban ng Blazers ay muli na namang uminit si Lillard at nagpakawala ng 42 big points upang itumba nila ang top seed sa Eastern Conference na Milwaukee Bucks.

Sa ngayon ang Eastern Conference ay kompleto na ang walong teams at magsisimula na ang unang araw ng NBA playoffs sa Martes.