-- Advertisements --
Tuloy-tuloy pa rin ang nararanasang aftershocks sa ilang bahagi ng northern Luzon lalo na sa lalawigan ng Abra mula ng tumama ang magnitude 7.0 na lindol.
Sa huling pagtala ngayong umaga ng Phivolcs, umaabot na raw sa 4,169 ang mga na-record na mga lindol.
Ang plotted earthquakes ay naitala na sa 1,127, habang ang mga naramdamang lindol ay nasa 67 sa pagitan ng magnitude 1.4 hanggang 5.1 magnitude.
Samantala una nang iniulat ng NDRRMC na nasa mahigit 48,000 na mga residente pa rin ang nakatira sa labas ng mga evacuation centers, habang mga nasa evacuation centers na mga naapektuhan ng kalamidad ay halos nasa 1,000.
Ito ay matapos na wasakin ng lindol ang nasa mahigit 700 mga kabahayan.