-- Advertisements --
Umakyat na sa 39 ang naitalang aftershocks mula sa magnitude 6.3 na lindol na naitala noong Hunyo 15, 2023 sa Calatagan, Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 18 sa mahihinang pagyanig ang kanilang na-detect gamit ang tatlo o higit pang pasilidad.
May lakas itong mula sa magnitude 1.4 hanggang 3.1.
Wala namang inaasahang pinsala mula sa naturang aftershocks.
Gayunmana, patuloy ang babala ng mga eksperto na panatilihin ang pag-iingat dahil maaari pa ring maulit ang lindol sa alinmang lugar sa ating bansa at posibleng mas malakas pa kaysa sa naranasang 6.3 magnitude kamakailan.