-- Advertisements --
Umakyat na sa halos 70 ang naitalang aftershocks ng Phivolcs mula sa 6.7 magnitude na lindol sa offshore ng Davao Occidental.
Ayon sa ahensya, mula sa 67 na pagyanig, 24 sa mga ito ang plotted o na-detect sa pamamagitan ng dalawa o higit pang makina ng Phivolcs.
Naglalaro ang lakas nito sa pagitan ng magnitude 2.4 hanggang 4.4 magnitude.
Natukoy ang mga lindol sa pamamagitan ng Don Marcelino facilities ng Phivolcs na nasa Davao Occidental.
Sinasabing posibleng magpatuloy ang aftershocks hanggang sa mga susunod na linggo.