DAVAO CITY – Mararanasan pa ang mga aftershock sa ilang bahagi ng Davao Region matapos ang magnitude 6.1 na lindol pasado alas-9:00 kagabi.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sentro ng lindol ang Jose Abad Santos Davao Occidental na may layong 118 kilometro sa silangang bahagi ng lalawigan.
Naramdaman naman ang Intensity IV sa Glan, Sarangani; Intensity III sa Alabel, Sarangani; General Santos City; Davao City; Intensity II – Tupi, South Cotabato; at Magsaysay, Davao Del Sur.
Nasa Intensity IVang Malungon, Sarangani, Intensity III ang ilang bahagi ng Alabel, Sarangani, Intensity II – Kiamba, Sarangani; Koronadal City Tupi, South Cotabato; General Santos City at Intensity I sa Kidapawan City.
Wala namang naitalang pinsala at casualty sa rehiyon sa kabila ng nasabing lindol.