-- Advertisements --

Muling inaresto si Matt Evans kaugnay sa kasong physical abuse na isinampa ng kanyang dating live-in partner.

Batay sa impormasyon, sa bisa ng warrant of arrest mula sa tanggapan ni Pasig Regional Trial Court Branch 12 Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ay hinuli ang 33-year-old actor ng mga tauhan ng Manila Police District.

Sa report ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section, dakong alas-11:30 ng umaga nang dakipin si Evans nitong huling araw ng Hulyo sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Maaari naman itong magpiyansa ng P36,000.

Taong 2012 nang isampa ang nasabing kaso laban kay Matt o Matthew Evans Nicolas sa tunay na buhay ng kanyang dating kasintahan na si Johnelline Hickins noon pang 2012.

Una nang hinuli si Matt noong October 2012 sa Pasig City dahil sa pareho ring kaso at nakalaya pansamantala matapos magpiyansa.

Kasal ang aktor sa negosyanteng si Riza Katrina Evans, na dati na ring hinuli ng mga otoridad noong December 2019 dahil naman sa kasong estafa at pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ng P30,000.