-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni dating House Speaker at Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na nagsumite na ito ng kanyang “irrevocable resignation.”

Ito ay para sa kanyang posisyon at membership sa ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) party bilang secretary-general sa loob ng limang taon.

Ayon sa opisyal, umalis siya sa partido dahil nangako siya na ipagpapatuloy ang voter’s education campaign sa mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay importansiya sa 2022 elections.

Tinanggap din umano ni Alvarez ang inalok sa kanya ni dating Secretary Renato de Villa na manguna bilang chairman sa pag-revive ng Reporma, isang non-mainstream Party ngunit wala raw itong kaugnayan sa mga personalidad na sinasabing may plano na tatakbo bilang Pangulog sa 2022.

Nagpasalamat naman ang kongresista kay PDP-Laban President Senator Aquilino “Koko” Pimentel III dahil pinayagan siya na magserbisyo bilang secretary-general sa partido.

Naging Speaker of the House si Alvarez sa 1st and 2nd regular session sa 17th Congress mula 2016 hanggang 2018, bago pinalitan ni dating pangulo at nagyo’y Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Una nang kumalat ang impormasyon na may kaugnayan daw sa pagpapaalis sa kanya sa puwesto si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio