-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 05 16 36 04
IMAGE | Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III

Ikinabahala ng Department of Finance (DOF) ang inaasahang epekto sa inflation o paggalaw sa presyo ng mga produkto ang naitalang kaso ng African swine fever (ASF) sa ilang namatay na alagang baboy kamakailan.

Ito ang tugon ni Finance Sec. Carlos Dominguez matapos maitala na higit 7,000 baboy ang pinatay dahil sa banta na kumalat ang naturang sakit sa hayop.

“I am sure the Department of Trade and Industry and the DA are on top of this,” ani Dominguez.

Sa huling datos ng National Stastics Authority, nanatiling mababa ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng sektor ng agrikultura sa 0.6-percent para sa ikalawang quarter ng 2019.

Kaugnay nito tiniyak ni DTI Sec. Ramon Lopez na naka-alerto na ang kanyang hanay para i-monitor ang presyo ng processed at frozen meat sa mga palengke.

Naglabas na ng P82.5-milyon na pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa preventive measures na gagawin bilang tugon ng Department of Agriculture.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo inamin ni DA Sec. William Dar na bukod sa ilang bahagi ng Rizal at Bulacan ay may mga bagong lugar silang binabantayan dahil sa suspected ASF case.

Pero tiniyak nito na kontrolado pa rin ng ahensya ng sitwasyon at walang dapat ikabahala ang publiko hinggil dito.