Bumuhos ang pakikiramay sa pagkamatay ng kauna-unahang African American na nominated sa Academy Award bilang Best Director na si John Singleton.

Ang 51-anyos na mayroong decorated career ay halos tatlong dekada rin sa Hollywood.

Ayon sa pamilya Singleton, mayapa umanong namatay si John na napapaligiran ng kanyang pamilya at mga malapit na kaibigan.

Ang director ay nagtamo ng malalang stroke 12 araw na ang nalipas at na-confine sa intensive care unit (ICU) ng Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles.

Nakilala si Singleton sa pagiging director ng “Boyz n the Hood.” (TMZ)

-- Advertisement --