Iniulat ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro na nakahandang tulungan ng AFP ang Department of Education (DepEd).
Aniya, kabilang ito sa kanilang mga tinalakay kahapon sa ginanap na major command conference kasama si Vice President Sara Duterte-Carpio at iba pang ahensya na kabilang sa security sector maliban pa sa usaping pang seguridad ng ating bansa.
Dagdag pa ni Bacarro, sa naturang pagtitipon ay inilatag din ng iba’t-ibang mga sangay ng gobyerno ang kani-kanilang mga programa na may kaugnayan naman sa pagtulong at pagpapalakas pa ng programa ng DepEd kabilang na ang Oplan Balik Eskwela na layuning matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa bansa.
Matatandaan na una nang ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na napag-usapan din nila sa naturang pagpupulong ang pagpapatupad ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) sa higher education, bagay na itinanggi naman i-detalye pa ni Bacarro.