Tukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang may-ari ng bahay kung saan nakitang nagpulong sina Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon at Maute brothers batay sa video na narekober ng militar.

Sa nasabing video, nakita ang magkapatid na Omar at Madie Maute na nagdidikusyon kaugnay sa kanilang magiging deploymenthabang si Hapilon.

Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año, kasama sa inilabas na arrest order ang may-ari ng nasabing bahay bagama’t tumanggi itong isapubliko ang pangalanan.

Narekober ng militar ang video nang salakayin ng mga sundalo ang bahay na pinagkukutaan ni Hapilon sa Marawi City.