BUTUAN CITY – Aabot sa 800 na mga aspiring soldiers sa rehiyon ng Caraga ang sumailalim sa Armed Forces of the Philippines Skills and Aptitude Test Pre Entry Exam (AFPSAT) na isinagawa nitong Setyembre 2-3, 2019 at Setyembre 4-5, 2019 sa Brgy Bancasi, Butuan City at Brgy Awa, Prosperidad, Agusan del Sur.
Sa koordinasyon ng 402nd Infantry Brigade at 401st Infantry Brigade sa Caraga, matagumpay ang isinagawang pre entry exam for the Officer Candidate Course (OCC), Officer Preparatory Course (OPC) at Candidate Soldier Course (CSC) sa lahat ng interesado at nagnanais na maging sundalo sa rehiyon ng Caraga.
Ayon kay Col. Maurito L. Licudine, Commander sa 402nd Infantry Brigade, ang nagpapatuloy na recruitment ng AFP ay dagdag sa kakailanganing tropa para sa implementasyon sa Development Support and Security Plan sa AFP.
Kaugnay ito ng pronouncement ni Pnagulong Rodrigo Duterte na tapusin ang insurgency sa bansa, kung kaya’t mas kailangan ang malaking bilang ng militar upang mapagsilbihan at maprotektahan ang komunidad mula sa banta ng rebeldeng grupo na patuloy na naghahasik ng gulo sa kanayunan.