-- Advertisements --

jolo1

Tiniyak ng PNP at AFP na palalakasin pa nila ang koordinasyon sa isa’t isa para hindi na maulit pa ang kahalintulad na Jolo shooting case.

Bukod sa NBI report, inaabangan din ng militar at pulisya ang report ng Joint AFP-PNP Board of Inquiry (BOI) na tapos na rin sa kanilang imbestigasyon at kanila na lamang itong isinasapinal.

Natukoy sa inisyal na report ng BOI na lapses sa coordination ang nakitang dahilan kaya humantong ang madugong pamamaril at pagpatay sa apat na sundalo.

Kapwa siniguro ng AFP at PNP na magsasagawa sila ng mga adjustments sa kanilang mga operational procedures.

Ayon naman kay Wesmincom chief Lt Gen. Cirilito Sobejana, dahil sa madugong insidente agad silang nagsagawa ng rebyu sa kanilang tactics, techniques and procedures lalo na doon kanilang coordinating mechanisms.

Umaasa si Sobejana na mailalabas na ng BOI team ang kanilang report ng sa gayon kanila na itong maipatutupad sa ground lalo na at nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga teroristang grupo.

Sa panig naman ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, magkakaroon ng adjustment sa kanilang mga operational procedures lalo na doon sa coordination.