-- Advertisements --

Naghain ng Joint Motion to Transfer Custody ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng The Judge Advocate General at PNP Intelligence Group sa korte para isailalim sa military custody ang inarestong notorious ASG sub-leader na si Idang Susukan.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo. Paliwanag ni Arevalo, dahil sa itinuturing na high value individual si Susukan ay dapat magkaroon ng security considerations kaya hiniling nila sa korte na ibigay ang kustodiya nito sa militar.

Naniniwala ang AFP sa rule of law kaya dapat managot sa batas si Susukan sa mga heinous crimes na kaniyang ginawa.

Nasa 23 kaso ng murder, limang kaso ng kidnapping and serious illegal detention, at anim na complaints ng Frustrated Murder ang hinaharap ng suspek.

Sa ngayon, nananatili sa PNP custody si Susukan matapos itong arestuhin noong Huwebes ng gabi sa Davao City. Pansamantala naman itong nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.