-- Advertisements --

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na ito na ang tamang panahon para bigyan ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar, ang CPP-NPA-NDF ay mayroon nalamang higit 1,000 miyembrong natitira at nasa 400 dito ay may kinakaharap na na kaso.

Dagdag pa ni Aguilar, mas makakatulong sa bansa na magkaroon ng kapayapaan kung ang mga natutang rebelde ay makatanggap ng amnestiya.

Maliban sa CPP-NPA-NDF, binigyan rin ni Pangulong Marcos ng amnestiya ang dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/ Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), Moro Islamic Liberation Front (MILF), and the Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa kabila ng amnestiya, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na nanatiling alerto ang gobyerno ng Pilipinas laban sa terorismo at ekstremismo.