Duda si retired Marine colonel at AFP Medal of Valor awardee Ariel Querobin sa tunay na layunin ng mga nagpakilalang bagmen at badyguards ni dating House Appropriations chair, Zaldy Co.
Kinuwestiyon ng retiradong sundalo ang kabuuan ng pahayag ng mga ito at ang nagtulak sa kanila upang lumabas at ihayag ang mga kontrobersyal na impormasyon.
Dagdag pa ng dating Marine officer, kung talagang totoo ang kanilang mga alegasyon, dapat ay dati na silang naghain ng kaso bago pa sila lumantad sa publiko.
Dapat ay ginamit na aniya nila ang kanilang nalalaman at personal na karanasan para sa agarang paghahain ng reklamo sa korte at hindi na idinadaan pa sa napakaraming press conference.
Giit pa ni Querubin, sa tuwing may mga kahalintulad na ‘propaganda’, tiyak na mayroong nasa likod nito.
Pinuna rin ng dating Marine colonel ang umano’y inconsistencies sa testimonya ng grupo na kapuna-puna kahit sa madaling tingin pa lamang.
Binigyang-diin ng Medal of Valor awardee na dapat pa ring ipatawag ang mga ito sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ng bagong chairmanship at mausisa ng husto sa ukol sa katotohanan ng kanilang mga testimoniya.
















