-- Advertisements --

Itatayo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang medical facilities na makakatugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa General Tinio, Nueva Ecija.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Nakipagpulong si Maj. Gen. Gabriel Viray III, deputy chief of staff ng AFP for civil-military operations, sa mga delegado ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting Plus Experts’ Working Group (ADMM-Plus EWG) sa Military Medicine sa Camp Aguinaldo sa Quezon City para sa final site survey ng proyekto.

Ang nasabing medical facility ay itatayo sa ilalim ng Project-Based Community Medical Deployment (PCMD) Medical Aid Provision (MAP) na nagsisikap na makamit ang One ASEAN, One Response sa pagtugon sa mga hamon sa rehiyon.

Dagdag ni Viray, ang iba pang detalye ng proyekto ay hindi pa ibinunyag ng AFP.

Ang ASEAN Defense Ministers’ Meeting Plus Experts’ Working Group ay isang platform ng para sa mga kasosyong bansa nito, na tinatawag na plus na mga bansa, upang palakasin ang pakikipagtulungan sa seguridad at pagtatanggol para sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran.

Nilalayon nitong makamit ang mas mabilis na pagtugon, at magtatag ng mas malakas na koordinasyon upang matiyak ang sama-samang pagtugon ng ASEAN sa mga sakuna.