-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing itinanggi ng 4ID,Philippine Army na nagsagawa ng loyalty check si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa hanay ng kasundaluhan sa bahagi ng Mindanao.

Ito’y lalo pa’t pinalutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya na hihiwalay ang isla ng Mindanao epekto sa hindi patas na pagtrato ng national government.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4ID spokesperson Major Francisco Garello Jr na nararapat lang na magpakita si Romualdez bilang pinuno ng Kamara dahil katuparan ito sa matagal ng House of Representatives-Armed Forces of the Philippines fellowship Mindanao Leg.

Ayon kay Garello na nagkataon lang na nakulayan ang pakigpulong ng opisyal sa AFP Eastern Mindanao at Western Mindanao Commands dahil pumutok ang bangayang-politikal ng mga Duterte at Marcos.

Subalit itinagubilin umano ni Romualdez sa army officials na na manatiling professional sa kanilang trabaho at hindi pahintulutan na malapastangan ang umaandar na proseso ng batas.

Magugunitang lumutang ang mga haka-haka na hati ang taong-bayan dahil sa umano’y banggaan ng Marcoses at mga Duterte epekto ng ilang mga sensitibong mga isyu sa lipunan.