Pormal nang binuksan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang 21km Virtual Endurance Run ngayong Biyernes, Nobyembre 19.
Nanguna si AFP chief of staff Lieutenant General Andres Centino bilang bahagi ng pre-anniversary activity ng Sandatahang Lakas.
Ito ay may tema na “Mitigate the Effect of Pandemic through Sports and Physical Fitness,” na layuning makalikom ng pondo para sa pagbili ng karagdagang personal protective equipment (PPEs) ng medical frontliner ng AFP Health Service Command.
Humigit-kumulang 500 indibidwal ang lumahok sa Virtual Endurance Run.
Kinakailangan nilang kumpletuhin ang 21km na distansya sa loob ng 14 na araw na magtatapos sa Disyembre 3.
Iginiit ni Centino na hindi dapat maisantabi ang nakasanayang pagpapalakas ng katawan dahil lamang sa pandemya, bagkusa ay mas dapat na lalong mahikayat ang lahat ng sundalo na manatiling malakas at malusog sa kahit na anong pamamaraan.
“On the upcoming celebration of the AFP’s 86th year of service to our country and the Filipino people, we wish to celebrate with all of you, our valuable partners and key stakeholders, as we ceaselessly fulfill our constitutional mandate. Let us start our joyful celebration through the culmination of this truly challenging but healthy activity,” pahayag ni AFP Chief Lt.Gen. Centino.