-- Advertisements --

Halos hindi maputol-putol ang linya ng pila mga Afghans na pasakay sa mga military helicopters sa Kabul, Afghanistan.

Sinabihan ang lahat ng mga ito na maaari lamang silang magdala ng isang maleta at ang suot na damit nila habang iiwanan ang kanilang bansa na kontrolado na ng Taliban.

Ngunit, hindi lamang ang kanilang bansa ang kanilang iiwan kundi pati na rin ang kanilang tirahan, ang edukasyon ng mga bata, ang buhay na kanilang binuo at ang mga pangarap nila sa loob ng 20 taon.

Nasa 14,000 katao na ang naghihintay sa loob ng paliparan sa Kabul na kontrolado ng militar ng Estados Unidos at naghihintay na makasakay.

Ang mga ito ay takot pa rin sa maaring gawin sa kanilang ng mga Talibans.