-- Advertisements --
Napilitang patayin ng mga otoridad sa Iraq ang mga electronic advertising billboard sa Baghdad matapos na ito ay pasukin ng hackers.
Ipinalabas ng mga hackers ang ilang pornographics na pelikula sa isa sa mga billboard.
Nangyari ang pagpapalabas ng malaswang pelikula sa billboard sa Uqba bin Nafeh Square ang lugar na pinupuntahan ng maraming taon.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.