Pumanaw na ang kontrobersiyal na publisher at founder ng adult magazine na si Larry Flynt sa edad 78.
Ayon sa pamilya nito, nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Los Angeles dahil sa sakit sa puso.
Nakilala ito sa adult entertainment industry ng halos 50 taon.
Noong 1974 ay inilunsad niya ang “Hustler” magazine kung saan ito ay sumikat at nakilala.
Noong 1978 ay binaril siya ng serial killer na si Joseph Paul Franklin na nagdulot ng kaniyang pagka-paralyzed ng kalahating katawan nito.
Binuksan din niya ang sikat na Hustler Casino sa Los Angeles noong 2000.
Sinubukan niyang tumakbo sa pagkapangulo ng US noong 1984 at tumakbong gobernador ng California noong 2003.
Limang beses itong ikinasal na ang pinakahuling asawa niya ay si Elizabeth Berrios noong 1998 kung saan mayroon itong anim na anak at mga apo na.