-- Advertisements --

Naghain ng kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No. 9262) ang actress na si Lindsay Custodio laban sa dating asawa nitong si Frederick Cale.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Hazel Meking na labis ang pagdurusang naranasan ng actress noong sila ay nagsasama pa.

Umaasa sila na makakakuha sila ng hustisya dahil sa trauma at depression na dinulot ng pagsasama nila.

Dagdag pa nito na dumanas umano ang actress ng sexual abuse, psychological abuse ganun din ang verbal, emotional at economic abuse.

Una ng nagsampa ng cyber libel na kaso ang si Cale dahil umano sa paninira ng actress sa kaniya.