-- Advertisements --
Kinumpirma ng actress na si Klea Pineda na hiwalay na sila ng nobyang si Katrice Kierulf.
Sa kaniyang social media account ay ibinunyag nito ang hiwalayan ng nobya niya sa loob ng tatlong taon.
Sinabi nito na kahit na naging maikli ang kanilang relasyon ay naging makabuluhan din ito.
Dagdag pa niya na kapwa nilang desisyon ang paghihiwalay kung saan kahit na masakit at mahirap ay kinailangan nila itong gawin.
Hindi naman na nito binanggit ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sa huli ay nagbigay ito ng mensahe sa dating nobya at sinabing magiging handa lagi ito sakaling kailanganin ang tulong niya.