-- Advertisements --
Ibinunyag ng Hollywood actress na si Kate Beckinsale na ito na-ospital ng ilang linggo.
Sa social media account nito na ibinahagi niya ang dahilan ng kaniyang biglaang pagpayat.
Sinabi nito na labis siyang nalungkot noong pumanaw ang kaniyang stepfather at ang pagka-diagnosed ng ina na mayroon itong stage 4 cancer.
Dumagdag pa aniya ang mga paggawa nito ng mga pelikula.
Ibinahagi rin nito ang mga larawan noong siya ay dinala sa pagamutan noong Marso.
Pinasalamatan ng actress ang mga nagpaabot ng pagdarasal para agad nito ng malampasan ang mga pinagdadaanan.