-- Advertisements --

Pumanaw na ang aktress na si Diane Ladd sa edad na 89.

Inanunsiyo mismo ng anak niyang si Laura Dern ang pagpanaw ng ina subalit hindi na nagbigay pa ang anumang detalye.

Namayapa ang aktress sa bahay nila sa Ojai , California.

Naging three-time Academy Awards nominee ito sa pagganap niya sa mga pelikulang “Alice Doesn’t Live Here Anymore” at “Wild at Heart”.

Bago sumabak sa pelikula ay bumida ito sa mga iba’t-ibang mga television show at stage show sa lugar kung saan ito isinilang sa Laurel, Mississippi.