-- Advertisements --
Bumisita si American actor Steven Segal sa Russian prison camp sa Ukraine.
Makikita doon ang nakakulong na mahigit 50 Ukrainian prisoners of wars na nasawi dahil sa pag-aatake.
Tinawag ng actor ang Ukrainian forces na ‘Nazis’ at sinisi pa si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na siyang nag-utos sa pag-atake sa nasabing prison camp sa Olenivka na sinakop na ng Russia.
Magugunitang noong 2016 ay ginawaran ng Russian citizenship ang actor at pinuri pa nito si President Vladimir Putin bilang isang pinakamagaling na lider sa mundo.