-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong actor na si Lito Legazpi sa edad 77.
Ayon sa kampo ng actor, pasado alas-diyes ng umaga nitong Linggo ng nalagutan ng hininga ito habang nasa Cardinal Santos Memorial Medical Center.
Isinugod kasi noong Biyernes ang 77-anyos na actor sa nasabing pagamutan dahil sa paninikip ng dibdib.
Naulila nito ang mga anak na sina Zoren, Kier, Brando at estranged wife na si Hershey Legazpi.
Inaayos na ng pamilya nito ang detalye ng burol na pansamantalang dinal sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City.
Taong 1959 ng magsimula ang acting career nito bilang isang matinee idol ng Sampaguita Pictures.