-- Advertisements --

Nahulian ng iligal na droga ang actor na si Dominic Rocco.

Kasama ng actor na inaresto ng mga kapulisan sa isang townhouse sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City ang isang babae at tatlong iba pang mga lalaki.

Aabot sa 15 gramo na hinihinalang shabu at 10 gramo na kush o high grade marijuana ang nakumpiska sa mga suspek.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek.

-- Advertisement --