Nasa mabuting kalagayan na ang actor at Senator-elect Robin Padilla matapos na ma-ospital sa Madrid, Spain.
Ayon sa manager nito na si Betchay Vidanes, na nitong Mayo 31 ay tumaas ang blood pressure ng actor habang namamasyal sila ng asawang si Mariel Rodriguez.
Sa social media account naman ng actor ay ibinahagi nito ang naranasan.
Wala aniya itong sakit subalit biglang nakaramdam ng pagkahilo at dumilim ang paningin maging ang tuhod ay humina.
Nagpasalamat ito ay dahil may mga tumulong na mga Espanyol sa kaniya.
Tinawagan rin niya si Philippine Ambassador to Spain Philippe Jones Lhuillier at siya ay tinulungan para madala sa pagamutan.
Sumailalim na rin ito sa ilang mga laboratory test at binigyan ng gamot.
Paniwala ng ibang mga fans nito, posibleng pagod pa rin ito dahil sa walang pahinga mula ng magsimula ang kampanya noong Pebrero.