-- Advertisements --

Pumalo na ngayon sa 19, 679 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, Octobre 20.

Sa 21, 874 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon, 1,317 nito ang naitalang namatay.

Samantala, umabot na sa 9,293 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Cebu City habang 678 na ang mga namatay.

Sampung panibagong kaso naman ang naidagdag kahapon dahilan na nasa 10, 180 na ang total cases nitong lungsod.

Maliban pa, umabot na sa 2, 527 ang total cases sa Mandaue City ; 2,428 sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu, 6, 092; Negros Oriental, 233; Bohol, 407; at 7 sa Siquijor.

Sa ngayon, nasa 878 na lang ang aktibong kaso ng rehiyon 7.