-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang kaso ng ilang guro na sapilitang pinapadalo sa National Learning Camps (NLC) ng Department of Education.

Gaganapin kasi ang NLC mula Hulyo 24 hanggang Agosto 25 na kasabay ng tinatawag na “proportional vacation leave:” ng mga guro.

Sinabi ni ACT Secretary General Raymund Basilio na bagamat boluntaryo ang NLC ay may ilang guro at sapilitan pa ring pinapadalo dito.

Mayroong nakarating sa kaniya na reklamo na nabigyan sila ng memorandum na compulsary sila pinapadalo.

Sakaling napatunayan nila ito na mayroong katotohanan ay handa nilang sampahan ng kaso ang mga opisyal ng DepEd na sapilitang pinapadalo ang mga guro.