-- Advertisements --
Ikinagulat ng mga fans ni Blackpink member Lisa ang pagkakatanggal ng kaniyang account sa Chinese social media platform na Weibo.
Agad na nagtungo ang mga fans sa official website ng singer at nalaman nila na mayroong mga nag-report sa account nito dahil sa iba’t-ibang paglabag umano sa community standards ng Weibo.
Hindi naman binanggit dito kung ano-ano ang mga nakamit niyang mga paglabag.
Ilan sa mga fans ang nagduda na maaring ang performance ni Lisa sa cabaret sa France na Crazy Horse Paris.










