-- Advertisements --

Sinuspendi ng isang laro at minultahan ng P10,000 si Calvin Abueva.

Ito ay matapos ang kaniyang ejection sa laro sa panalo ng Magnolia Hotshots laban sa Barangay Ginebra.

Ayon sa PBA na dahil sa pagiging ‘unsportmanlike conduct’ ng Magnolia player sa second half ng laro at ang pagkapataw sa kaniya ng ikalawang technical foul dahil sa alitan kay Gins guard Nards Pinto.

Noong nakaraang season kasi ay binalaan na nila si Abueva na kapag naulit ang parehas na violation ay kanila itong isususpendi.

Magugunitang nagbanta pa sa kaniyang social media si Abueva na aalis ito sa Magnolia kapag walang maipakitang video na ito ay may kasalanan kaya ito napaalis sa laro.