-- Advertisements --

Pinatawan ng PBA ng P100,000 na multa si Magnolia Hotshots forward Calvin Abueva.

Kasunod ito sa ginawang pang-aasar sa coach ng San Miguel Beermen na si Jorge Gallent noong Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

Ayon sa PBA na mayroon silang mahigpit na batas ukol sa panlalait sa dignidad at ang pisikal na kapansanan ng isang tao na may pinakamababang multa na P100,000.

Tinanggap naman ni Gallent ang paghingi ng tawad ni Abueva matapos ang laro kaya hindi na pinatawan ng PBA ng suspension.