Nakaapgsumite na ang ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence ng sagot sa inihaing gag order ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa Supreme Court (SC) laban sa TV network.

Sa kanilang komento, iginiit ng ABS-CBN na malalabag ang press freedom at freedom of speech ng naturang gag order.

Nanindigan ang naturang TV network na hindi gamitin ang sub judice rule para ihinto ang pagtalakay sa mga isyu o kaso na nakabinbin sa mga korte dahil hindi ito layon ng nasabing patakaran.

Itinanggi rin ng media network na ang kanilang mga ipinalalabas na analysis at komentaryo kaugnay ng quo warranto ay propaganda pa lamang.

-- Advertisement --

Ikinatwiran pa ng ABS-CBN na karapatan ng publiko na malaman ang ukol sa usapin ng quo warranto.

Isa rin umanong disservice sa publiko kung aalisan sila ng “vital source” ng impormasyon sa isyu na mayroong transcendental importance.