Mabibili na ngayon sa ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng Department of Agriculture sa lungsod ng Quezon ang mga abot kayang pechay Baguio mula Benguet.
Kasunod nito ay hinikayat ng Department of Agriculture ang mga mamimili na tangkilikin ang mga bagong aning gulay mula sa mga magsasaka sa nasabing lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), aabot sa isang truck ng pechay Baguio ang ibinyahe ng mga magsasaka mula Benguet
Ang mga ito ay mabibili sa halagang P20 kada kilo.
Ito ang napakalayo sa presyo sa ilang pangunahing pamilihan dito sa Metro Manila na naglalaro sa ₱40-₱80.
Kung maaalala, sinabi ng DA , na ang hakbang na ito ay bilang tugon sa over production ng gulay gaya ng repolyo sa ilang lalawigan, kasama rito ang market linkage doon.
Kumikilos na rin ang DA-CAR, para maisalya na ng mga magsasaka sa kanilang lugar ang kanilang inaning gulay gaya ng repolyo.
Batay sa datos ng ahensya, as of January 9 ng taong ito, pumalo na sa 29.4 metriko tonelada ng gulay naman na repolyo ang naibenta nito at naihatid sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.