-- Advertisements --

Kasalukuyang dini-develop ng mga siyentista mula sa University of the Philippines-Diliman’s College of Science (UPD-CS) ang abot-kayang gamot para sa cancer.

Ayon kay UPD-CS Science Research Specialist John Alfon Francisco, positibo itong magiging mas mura ang naturang gamot dahil ang compounds nito ay maaaring i-produce sa bansa para sa benepisyo na rin ng mamamayang Pilipino lalo na ng mga dumaranas ng sakit na cancer.

Sa ngayon, naka-develop sina Francisco at mga kasamahan nitong siyentista ng posibleng ground-breaking na ideya para sa pag-produce ng isang gamot sa cancer mula sa compound na orihinal na ginamit sa produksiyon ng pesticides at fish poison.

Ito ay ang deguelin na ginagamit bilang isang fish poison at isang compound na kilala din sa negatibong epekto nito sa katawan ng tao dahil sa orihinal na gamit nito.

Base sa pag-aaral, tinatarget ng compound na debuein ang protein sa cancer cells kayat naisip nila itong subukang gamitin sa cancer.

Samantala, hindi naman isinasantabi ng mga siyentista ang posibilidad ng paggamit nito bilang gamot sa lung, colon at breast cancer.