Tuluyan nang tinanggal sa roll of attorneys ang isang abogado dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanyang menor de edad na anak sa ibang babae.
Sa per curiam decision ng Supreme Court (SC) Court En Banc napatunayang guilty si Atty. Amador B. Peleo III ng gross unlawful, dishonest and deceitful conduct na paglabag sa Rule 1.01, Canon 1 ng Code of Professional Responsibility.
Lumalabas na nagkaroon ng sexual relation si Peleo kay Marife Venzon habang ito ay kasal pa sa kanyang asawa.
Pinalsipika rin nito ang entries ng birth certificate ng kanyang anak at pinalabas na legally married kay Marife.
Hindi rin umano nito ginamit ng tama ang legal process sa pamamagitan ng paghahain ng petition for declaration of nullity of marriage na wala namang seryosong intention na ito ay ituloy.
Niloko rin umano nito ang gobyerno at private businesses dahil sa patuloy na pag-avail ng Senior Citizens’ discount dahil pinalabas nitong 60-anyos na siya kahit hindi pa.
“Indeed, public confidence in law and lawyers may be eroded by the irresponsible and improper conduct of a member of the Bar. Hence, every lawyer is duty bound to act and comport himself or herself in such a manner that would promote public confidence in the integrity of the legal profession. Respondent’s conduct does not help in that regard, but worse, directly encourages people to entertain themselves with jokes about lawyers and the legal profession as the butt of their unflattering jokes,” ayon sa korte.
Taong 2011 nang maghain ng reklamo si Venzon na naanakan ni Atty. Peleo habang ito ay kasal pa sa kanyang asawa.
Una rito, taong 1996 nang makilala ni Marife ang respondent na siyang humawak sa kanyang petition for declaration of nullity of marriage laban sa asawa ng complainant.
Noong mga panahong na-annull na ang kasal ni Marife sa kanyang asawa ay mayroon na rin itong malalim na relasyon sa abogado at taong 1998 noong isilang nito ang kanilang anak na lalaki.
Bumili pa raw si Peleo ng dalawang palapag na apartment para kay Marife at sa kanilang anak.
Bumili rin sila ng bahay sa Facoma, Brgy. Labangan, San Jose, Occidental Mindoro.
Pero pagkatapos noon ay hindi na nagpakita pa ang abogado sa mag-ina.
Ito na ang dahilan kung bakit nagpasaklolo na si Marife sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).