-- Advertisements --

Sinibak na ng Korte Suprema sa serbisyo ang isang abogado na lumabag sa sinumpaang tungkulin nito at sa Code of Professional Responsibility.

Ito ay matapos na mangako ang abogado na si Ronaldo Salvado sa kaniyang mga kliyente ng annulment of marriage ruling sa loob ng dalawang buwan at hindi pagbabalik ng perang ibinayad ng mga ito.

Sa isang statement na inilabas ng Korte Suprema inamin daw ng complainant na si Roger Asuncion na ginarantiya ni Salvado na tatagal lamang sa loob ng dalawang buwan ang kanilang kaso.

Nag sumite rin ito ng mga screenshot na patunay ng kanilang naging usapan na nagpapakita na ang kanilang napagkasunduan na Php700,000 legal fees ay kasama sa pagbabayad sa mga koneksyon ni Salvado para sa promulgation ng nasabing hatol na hindi umano natuloy matapos na hindi ito mabayaran ng buo ni complainant.

Giit pa ng SC, ang paglabag na ginawa ni Salvado ay nagsimula mula noong tanggapin nito ang isang ilegal na pakikipag-ugnayan na lumalabag anila sa batas na nadagdagan pa ng kaniyang hindi pagbabalik ng halagang ibinayad sa kaniyang nang hindi na matuloy pa ang kanilang kasunduan.

Ito ang dahilan kung bakit pinababalik ng korte kay Salvado ang Php420,000 na kaniyang natanggap mula sa kaniyang mga kliyente para sa antedated annulment decision na hindi niya naibigay nang mayroong 6 percent yearly interest.

Samantala, bago ito ay dalawang beses nang nasuspinde si Salvado sa kaniyang panunungkulan nang dahil sa paglalabas ng walang halagang tseke at paglabag sa canons 17 at 18 ng Code of Professional Responsibility.