-- Advertisements --

Tinuligsa ng abogado ni Jamie Spears ang ama ng singer na si Britney ang mga judges ng Los Angeles.

Ito ay matapos na suspendihin siya para maging conservator ng $60 milyon halaga ng yaman ng anak.

Nauna nang naglabas si LA Superior Court Judge Brenda Penny ng kautusan na tanggalin si Jamie.

Itinakda ng korte sa Nobyembre ang pagdinig kung tuluyan na bang tatanggalin ang sa 13-taon na legal arrangement sa anak.

Sinabi ni Vivian Thoreen ang abogado ni Jamie na lubhang nakakadismaya ang nasabing desisyon ng korte.

Itinalaga naman ng korte si John Zabel na kapalit ni Jamie.

Sa panig ng singer na hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan sa naging desisyon na ito ng korte.