-- Advertisements --

Sinagot ng abogado ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang ang alegasyon ipinaparatang patungkol sa umano’y aregluhan. 

Depensa ng kampo ni Atty. Caroline Cruz na mali ang reklamong isinampa laban sa kanya kung saan iginiit na kulang umano ito ng legal na basehan. 

Sinampahan kasi siya ng reklamong ‘obstruction of justice’ dahil sa sinasabing pag-areglo o pagbibigay ng pera sa mga pamilya ng ‘missing sabungeros’ kapalit kanilang pag-atras o hindi pagdalo sa mga pagdinig ng kaso. 

Kung kaya’t hiniling nila na maibasura na lamang ang naturang reklamong kinakaharap sa. Department of Justice. 

Binigyang diin ng abogado ni Atty. Caroline na si Atty. Isabella Sabio na biktima lamang ang kanyang kliyente ng malisyoso at maling akusasyon gawa-gawa raw ng mga naghain ng reklamo. 

Bagama’t aminado na nagkita sila ng ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero, nilinaw nitong walang hiniling sa kanila kapalit ng perang iniabot bilang umano’y pinansyal na tulong lamang. 

Dagdag pa dito’y wala din umanong dokumento, o pirmadong kasunduan na may kalakip nawawalang kahilingan nang magbahagi ito ng tulong pinansyal.